Day 1: Basilica Minore del Nuestro Padre Jesus Nazareno
Nagtungo kami ni Jemelle sa may Immaculate Conception Cathedral sa Cubao. Ngunit, medyo napaaga ng konti ang aming pagdating, kaya nama'y minarapat naming magtungo na lamang sa may simbahan ng Quiapo sa Maynila.
Tulad ko, hindi pa rin nakakabuo ng simbang gabi si Jemelle - kadalasan ay isang misa lamang sa isang taon ang aming napapakinggan. Sa kadahilanang ito, nangako kami sa aming mga sarili na kukumpletuhin namin ang tradisyonal na siyam na misa sa madaling araw. Pinalawig pa namin ang tradisyong ito sapagkat nangako rin kami na sa siyam na iba't ibang simbahan kami makikinig ng misa - nauna na nga ang simbahan ng Quiapo. Mamaya naman ay balak namin na makinig ng misa sa simbahan ng St. Jude sa may Mendiola.
Walang puto bumbong sa may Quiapo kagabi - sana meron na sa may St. Jude. :D
Simbang Gabi - Bukas Palad